The Realm

The World of Erodas

Ang Erodas ay ang mythical realm sa puso ng The Pabebe Chronicles, isang novel ni Jack Logan.

Illustrated map of Erodas showing Nieves, Barakos, Lambak, Amazon, Arcos, Evloz, Via Regia, Ilog Flumen, Bulkang Kulam, and Agora.

Dito makikita ang mga lumang kaharian, sacred roads, dangerous bloodlines, mountain clans, witches, warriors, scandals, at mga kasaysayang kahit anong tago mo, bumabalik pa rin na parang resibo.

Para maintindihan ang Erodas, kailangan magsimula sa giyerang gumimbal sa buong realm.

From the War of Golds to the Present

Bago magsimula ang kwento ng The Pabebe Chronicles, ang Erodas ay winasak ng isang digmaang tinatawag na War of Golds.

Hindi lang ito simpleng agawan ng lupa. Hindi ito barangay away na lumaki. Ito ay digmaan ng pride, inheritance, ambition, bloodline, at ang eternal question ng mga taong nasa power: “Bakit ikaw ang hari? Bakit hindi ako?”

Nagmartsa ang mga hukbo. Bumagsak ang alliances. Nagpalit ng kampo ang mga noble families. Ang mga pangalan ng bayani ay naging alamat, at ang pangalan ng mga traydor ay naging cautionary tale na binubulong sa hallway kapag walang CCTV.

Nang matapos ang digmaan, hindi talaga gumaling ang Erodas. Naglagay lang sila ng treaty. Nagpa-banquet. Nag-smile sa public. Tapos lahat ng trauma, tinago sa ilalim ng carpet ng palasyo.

Sa present timeline ng novel, wala nang open war, pero hindi ibig sabihin payapa na. Ang Nieves ay kumikinang sa royal beauty habang may tinatagong mga sekreto. Ang Arcos ay lumalakas sa likod ng ambition. Ang Amazon ay nananatiling fierce at independent. Ang Barakos ay dala ang bigat ng mga Baruk na kinatatakutan pero hindi nauunawaan. Ang Evloz ay tahimik na nagmamasid sa galaw ng fate. At ang Lambak, na madalas inaakalang simpleng valley lang, ay maaaring may hawak ng pusong kailangan ng buong realm.

Ito ang Erodas. Isang mundo kung saan ang love ay puwedeng maging rebellion, ang chismis ay puwedeng maging politika, at isang maling galaw ay puwedeng gumising sa digmaang akala ng lahat ay tapos na.

Important Places in Erodas

Nieves

Nieves ang eleganteng kingdom sa hilaga ng Erodas — maganda, royal, maayos tingnan, at very “behave tayo, may bisita.” Pero sa likod ng palace walls, nandoon ang secrets, scandals, rivalries, at mga desisyong puwedeng gumiba ng buong realm. Kung titingnan mo mula sa malayo, graceful siya. Pag lumapit ka, ayun na, may hearing na.

Arcos

Ang Arcos ay kaharian ng power, ambition, strategy, at controlled force. Dito, hindi lahat ng laban ay dinadaan sa espada. Minsan, sa timing. Minsan, sa loyalty. Minsan, sa very calm smile ng taong may binabalak. Sa Arcos, ang tanong ay hindi kung sino ang malakas. Ang tanong ay sino ang mas marunong maghintay.

Amazon

Ang Amazon ay autonomous warrior land na pinamumunuan ng lakas, disiplina, at matinding self-respect. Dito, ang beauty at power ay hindi pinag-aaway — pinagsasabay. Ang mga warrior ng Amazon ay may grace, courage, at very low tolerance sa lalaking akala niya main character siya kahit wala namang ambag sa plot.

Barakos

Ang Barakos ang tahanan ng mga Baruk — warrior people na hinubog ng exile, survival, at matitinding laban. Kinatatakutan sila ng ibang kingdoms dahil hindi sila madaling kontrolin. Pero ang hindi nakikita ng Erodas: ang Barakos ay hindi lupain ng monsters. Ito ay lupain ng warriors na napagod nang husgahan pero hindi pa rin tumitigil lumaban.

Evloz

Ang Evloz ang misteryosong lugar ng witchcraft, prophecy, at old knowledge. Dito gumagalaw ang mga bagay na hindi kayang ayusin ng royal decree. Habang ang mga hari ay abala sa crowns, borders, at kung sino ang invited sa banquet, ang Evloz ay nakatingin sa mas malalim na galaw ng fate. Tahimik sila, pero hindi ibig sabihin wala silang alam. In fact, baka sila ang masyadong maraming alam.

Lambak

Ang Lambak ay ang valley region ng Erodas — tahanan ng weavers, farmers, workers, at ordinaryong taong madalas naiipit sa desisyon ng mga powerful. Wala itong glamour ng Nieves o military power ng Arcos, pero dala nito ang puso ng realm. Sa Erodas, ang kasaysayan ay sinusulat ng mga hari, pero ang sakit nito ay binubuhat ng Lambak.

Roads, Landmarks, and Sacred Places

Via Regia

Ang Via Regia ang great royal road ng Erodas. Dito dumadaan ang nobles, merchants, soldiers, messengers, at mga taong may dalang balita na dapat sana private pero somehow alam na ng buong Agora. Sa Erodas, walang road trip na simple. Laging may ambush, revelation, o emotional damage.

Bulkang Kulam

Ang Bulkang Kulam ay isang mystical volcano na konektado sa old magic, forbidden rituals, at mga kwentong ayaw ikwento ng matatanda unless gabi na at brownout. May nagsasabing bundok lang ito. May nagsasabing buhay ito. Pero sa Erodas, kapag may lugar na tinawag na Bulkang Kulam, huwag ka nang magtanong kung safe. Hindi.

Ilog Flumen

Ang Ilog Flumen ay isa sa mahahalagang ilog ng Erodas — daanan ng trade, travel, memory, at danger. Tulad ng ibang ilog sa realm, hindi lang tubig ang dala nito. May dala rin itong rumors, secrets, bodies, at mga kwentong akala ng mga powerful ay nalunod na. Spoiler: hindi.

Agora

Ang Agora ang marketplace at public gathering space ng Erodas. Dito nagtitinda ang merchants, nagkakalat ang balita, nagpe-perform ang performers, at nagiging breaking news ang dapat sana ay private conversation. Kung ang palace ang lugar kung saan nagsasalita ang power, ang Agora ang lugar kung saan sumasagot ang taumbayan — malakas, magulo, at may kasamang side comment.

This is not a peaceful world. This is Erodas. At sa Erodas, walang sikreto ang forever.